Laptop VS Tablets (Maling Akala)






Laptop VS Tablets (Maling Akala)
By Obet Tan

Tambay mode na naman.
Mag-isa na naman dito sa maliit na shop namin. Alas dos na pero magkano palang ang benta. Humina talaga ang benta ng mga computer ngayon mula noong nauso ang mga android tablet na yan. Mas techy daw at mas may dating ang mga tablet ngayon. Eh wala namang sinabi ang mga yan kung sa mga features lang eh. Mas maganda pa din ang laptop.
 Ilang taon na akong nagtratrabaho sa shop ni boss at ngayon ko lang naranasan ang ganito, matumal na ang benta ng mga laptop. Buti na lang at nakiuso na din si boss. Kumuha na din sya ng supplier ng tablets at iba pang gadgets. Nakiuso na din ang matandang yun hehehe. Kaysa naman kasi sa malugi di ba? Pero mas idol ko pa din talaga ang laptop eh. Lalo na yung nabili ko noong isang taon. Galling sa ipon ko yun kaya mahalaga sa akin. Ikaw na ang nakaE-Series na Sony Vaio. Kulay puti pa yun kaya astig. 2GB ang RAM tapos 500GB ang HDD! Hanep! Ang bilis pa sa mga games. Isama mo na din ang mga online games. Ibang klase din ang linaw ng movie dito. Parang 3D ang dating!
Uy ayos to may costumer. Diskartehan ko na nga at nang makabenta, saying din ang komisyon.

Francis: Goodafternoon mam, welcome po sa EMB Communications.

Costumer: (Smiles)

Francis: Baka gusto niyo pong itry itong bagong dating na Laptop namin mam. Maganda po ito, mura lang sya. Sony Vaio Y Series mam. Murang mura lang po. Ang maganda kasi dito mam, Dual-Core na yung processor niya. Mas mabilis po ang laptop niyo. Capable na din po siya sa pagPlay ng mga HD Movies. Hindi po gaya sa ibang model na pangit yung graphics.  Super gaan lang po at di sya ganun kalaki so bagay na bagay po sa mga babae. Eight hours din po ang Estimated Battery Life base sa JEITA battery Run Time Measurement ver. 1.0 so bagay na bagay po siya sa mga matagalang meetings. May mga preinstalled applications na din ito mam, may PMB Vaio Edition na siya para sa mga Photos at Videos mo, Vaio Gate para sa mas mabilis na pagopen ng mga applications at yung Vaio Care. Built-in na din po na webcam ito mam with Motion-Eye Camera. May Arcsoft Magic-I din po ito na lets you enjoy photo taking and video chatting with fun frames and avatar function.

Customer: (Smiles) Nakatingin sa ibabang display counter.

Francis: May promo din po kami ngayon mam, pag bibilihin niyo itong Sony Vaio Y Series, bibigyan naming kayo ng Licensed Windows 8 OS, Nakalimutan ko din pong sabihin na Bluetooth and WiFi ready na din po itong laptop. Bibigay na din naming itong VGP-CKS3/B na laptop bag at just add 1000 pesos po may Bluetooth mouse at headset na din kayo mam. So lahat lahat mam 27699 pesos po. Andun na lahat mam.

Customer: (Smiling)

Francis: Ano po sa tingin niyo mam?

Customer: Ha sorry, Magkano po tong Samsung Galaxy Tab niyo?
Francis: HA!?! Akala ko.. (Lintik na mga tablets to oh! WFT!!!)

No comments:

Post a Comment