Convo Stories Part 1 (Juan and Pedro S.)



Ang puti at ang liwanag ng paligid. Yan ang lokasyon ni Juan ngayon.

Juan: Teka, asan ako?!

Nang bigla niyang nakita si Pedro S.

Juan: Kuya asan po ako?
Juan: Pssssst kuya….
Pedro S. : Huh? Kuya?
Juan: Oo ikaw nga.
Pedro S. : Di kita kapatid ha.
Juan: Suplado!
Pedro S. : Tsk tsk tsk
Juan: Asan ba tayo? Anong lugar ito?

Pedro S. : Secret….
Juan: Huh?!
Pedro S. : Oh iFill-up mo itong form Juan.
Juan: Alam mo pangalan ko?
Pedro S. : HINDI! Kasasabi ko lang ng name mo di ba? Di ko alam name mo.
Juan: Hay naku suplado talaga!
Pedro S. : Fill-up mo na yan at nang matapos na tayo.
Juan: Para saan ito? Teka sino ka ba?
Pedro S. : I’m Pedro S. So wala kang naalala sa mga nangyari?
Juan: Anong nangyari? Ano ba nangyayari?
Pedro S. : Nevermind. Normal lang na wala ka maalala. Haha
Juan: Wait! Ang huling naaalala ko eh nalunod ako ha. Patay na ba ako?
Pedro S. : Secret. Saan ka nalunod? Ilagay mo jan sa form.
Juan: Oh shet! Patay na yata talaga ako!
Pedro S. : Hoy! Yang bunganga mo.
Juan: Ay sorry. Nasa simbahan ba ako?
Pedro S. : Hindi.
Juan: Eh asan ako?
Pedro S. : Basta! Fill-up mo na yang form.
Juan: OMG! Patay na ako huhuhu. Paano na si mama, paano na si JunJun, si Tatay at si Lola?
Pedro S. : Don’t worry buhay pa sila.  Nakaligtas sila sa baha.
Juan: Ah oo! Naaalala ko na! Biglang bumaha dahil sa malakas na ulan.
Pedro S. : Oo, kasasabi ko lang di ba?
Juan: So ako lang ang namatay sa amin?
Pedro S. : Oo nga! Bumigay yung sinasabitan mong bakal ng bintana. Natangay ka ng baha at ayun di ka na nailigtas pa.
Juan: =( =( =(
Pedro S. : Huwag mo nga akong dinadaan sa mga Emoticons! Di yan uso dito.
Juan: Ohwkei!
Pedro S. : Di na din uso yang jejemon.
Juan: Hay Naku!
Pedro S. : Tapos ka na sa form?
Juan: Di ko tanggap ang pagkamatay ko. Ang bata ko pa ha!
Pedro S. : Walang pinipiling edad yan.
Juan: huhuhu =( =( =(
Pedro S. : Yan ka na naman.
Juan: Teka lang, di naman bumabagyo noon ah. Ulan lang yata yun sa pagkakaalala ko. Bakit bumaha?
Pedro S. : Huwag ako ang sisihin mo!
Juan: Huh? Akala ko ikaw si Mr. President.
Pedro S. : Hello! Di ako yun. Di mo pa ba nakikita yung president niyo?
Juan: Hindi pa haha. Patay na ako at lahat eh di ko pa nakikita nang personal yun.
Pedro S. : Grabe naman Juan!
Juan: Hahaha
Pedro S. : Huwag ka ditto magreklamo ok, kundi sa gumawa ng drainage system at sa gumawa ng mga dumpsites niyo sa lupa.
Juan: Huh? Bakit sila? At ibig sabihin ba niyan wala na ako sa Lupa?
Pedro S. : Awwww. Oo wala ka na sa lupa. Malamang sila ang mananagot diyan. Sila ang in-charge diyan eh. Kung maayos sana ang mga yun eh di wala sanang baha. At kung maayos sana ang pagbasura niyo ng mga kalat niyo eh di wala sanang baha.
Juan: At kung walang baha eh di sana buhay pa ako ngayon.
Pedro S. : Tama! Gets mo na?
Juan: Hmmmmmmm
Pedro S. : Anong hmmmmm?
Juan: Wala lang. May narealize lang ako.
Pedro S. : Wow! Narealize talaga ha!
Juan: Hmmmmmmm
Pedro S. : Kaya pagsabihan mo yung mga kamag-anak mo na magbago na sila ok!
Juan: Paano ko sila sasabihan eh wala na ako sa lupa di ba?
Pedro S. : Ay hahaha
Juan: Hay naku!
Pedro S. : Ok ako na lang bahala. I’m sure dahil sa nangyaring yan eh madami na ang magbabago.
Juan: Sana nga. Dahil sa pagkamatay ko, siguradong maiisip na nila ang pagbabago. At magiging bayani ako dahil dun! hahahaha
Pedro S. : Hay naku! Bakit ka magiging bayani?
Juan: Dahil buhay ko ang nasakripisyo para magbago sila sa ugali nila.
Pedro S. : Hello! Ang dami niyo kayang namatay! Eh di ang daming bayani niyan? hehe
Juan: Huh? Ilan ba namatay? Bakit wala ako makita dito?
Pedro S. : Madami nang nauna sa iyo dito. Tapos madami a pa naghihintay sa gate.
Juan: Eh bakit di pa sila pumasok dito? Asaan ba yung pintuan niyo pala?
Pedro S. : Hahahaha nakakatawa ka! Walang pintuan dito!
Juan: Huh? Sabi  mo may gate? So ibig sabihin may pintuan o pasukan man lang sana.
Pedro S. : Meron nga! Pero secret kung nasaan haha.
Juan: Dami mo sikreto!
Pedro S. : hahahaha
Juan: So di ako magiging bayani niyan?
Pedro S. : Hmmmm pwede, pwede ding hindi. Depende kung ano gagawin sa iyo ng mga kababayan mo. Depende din sa kanila kung magbabago sila.
Juan: Di mo ba sila kayang baguhin sa powers mo? Di ba ikaw si San Pedro? Huwag ka nang magkaila.
Pedro S. : hahahaha Naniniwala ka sa mga kwento kwento! At tsaka kahit may powers ako di yun basta basta baguhin na lang ang mga ugali ng mga tao.
Juan: At bakit di pwede?
Pedro S. : Mas maganda yung kusa. Yung galing sa puso nila ang pagbabago.
Juan: Sabagay.
Pedro S. : Mas magandang matuto sila sa kanilang pagkakamali. Dahil yun ang layunin ng buhay. Yan ang layunin ng pagsubok at problema. Para paalalahanan ka na may dapat baguhin o gawin. Na may nakakalimutan kang gawin o sundin. Oo, matigas ang ulo ng mga tao pero nature na natin yan. Este nature niyo lang pala. So ang pinakamagandang gawin natin ngayon ay maghintay at umasang sana’y may magandang maidulot ang sakunang yan sa mga tao. Na sana’y may bright side ang maitim na nangyaring yan.
Juan: ok!
Pedro S. : Huh!? Ang haba ng sinabi ko yun lang reply mo?
Juan: Wait! Nagsusulat ako, gusto mo bang matapos ito o hindi?
Pedro S. : Ay! Sorry!
Juan: Hmmmmmmmmm Hmmmmmmm
Pedro S. : Pakibilisan na yan! Dami pa ako kakausapin at sesermonan.
Juan: Bakit pari ka ba? Hanggang anong oras ba open tong office mo?
Pedro S. : Hahahaha di ako pari at walang oras-oras dito! haha
Juan: Huh? Overtime lagi? Di ka natutulog?
Pedro S. : hahahahahaha Secret!
Juan: Hay naku! Oh heto na tong Form mo! Tenkyo!!!!
Pedro S. : Ok, sige diretso ka lang diyan tapos pakaliwa ka sa unang pinto.
Juan: Bakit sa kaliwa?
Pedro S. : Basta! Dami mo tanong.
Juan: Hay naku!
Pedro S. : Go!
Juan: Teka last na. Andun bas a loob ng pinto si Jesus?
Pedro S. : Secret! hahahaha






(Image copied from: www.clipartof.com)

1 comment:

  1. Hi, Really great effort. Everyone must read this article. Thanks for sharing.

    ReplyDelete