Diary ni Francis


Diary entry ni Francis. Nabuksan nang di sinasadya.

June 15, 2014

Dear Jary,

May nakasalubong akong isang magulang kanina sa daan, sinundo niya ang kaniyang anak sa Prep School niya. Bigla kong naisip na, Parang gusto kong bumalik sa pagkaBata…

Wala lang bigla ko lang siyang naisip kanina. Siguro naiggit ako sa kung anong meron ang isang bata. Ang dami ko kasing problema ngayon Jary, haaayz. Nakakapagod na. Buti pa yung bata walang masyadong iniisip na problema. Chill chill lang, papasok sa school sa umaga, susunduin pag hapon na. Ayun! Sarap ng buhay di ba? Di gaya ko, paggising sa umaga problema. Sa lunchtime, problema. Teka pati din pala sa miryenda, iniisip ko pa din ang problema. Pagkauwi sa bahay at bago matulog sa gabi, puro problema. Nga pala di pala ako nakakatulog ng gabi Jary dahil alam mo na… kakaisip sa walang katapusang problema.
Gaya na lang kaninang umaga, tumawag yung boss ko Jary. As usual nagagalit na naman. Hinahanap kasi yung report ko. Stressfull ang buhay ko Jary! Nakakasawa na ang ganito. Di ko naman magawang magalit dun, siyempre boss ko yun eh di ba? Haha
Tapos kaninang breaktime, natapunan ng kape yung bagong bili ko na slacks. Alam mo na ang sumunod na nangyari Jary, naStress na naman ang Lolo mo hahaha. Pero alangan namang magalit ako sa kape di ba? Ano ako timang? Waaaaahhhh hahahaha.
Tapos nung lunchtime. Ang daming tao sa canteen! Kaya ayun, naglakad ako ng napakalayo makakain lang. Tapos siyempre sa haba ng nilakad ko, pagbalik ko ng office gutom na naman ako! At eto pa ang matindi Jary, late ako ng 3 minutes sa Time-In ko ng hapon. Ano ba ito? Sinong sisihin ko? Yung canteen natin sa building? Hello? Lunchtime nga yun di ba? So malamang madaming kumakain! Alangan namang sisihin ko ang oras ng break natin! Hello?!! Fixed kaya yun. Haaaaayyyysss nakakasawa na Jary!
HELPPPPP!!!!!!! SUPER STRESSED NA AKO!!!!!!!! JARY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Kaya ayun naisip kong bumalik sa pagkabata. Yung walang stress, enjoy lang na buhay. Kaya nung nakasalubong ko kaninag hapon yung mag-Ina, napaisip ako bigla. Sa loob ng 4 years ko sa work na ito, puro stress lang ang napapala ko Jary. Gusto kong sumaya naman, gusto kong maglaro na parang yung bata na walang pakialam sa paligid niya. Walang pakialam kung matapunan man ng kape o chocolate ang damit niya. Walang pakialam sa kung saan man siya kakain kasi may baon naman siya. At walang pakialam sa oras, ang importante eh makalaro lang siya! Ang say asana ng buhay ko noh Jary? Kung sana bata na lang ako ulit. Haaaaayyyyssss.

Pero bigla kong naisip nung nakaupo na ako sa office….
Kung magiging bata ako ulit, ibig sabihin nun, mag-aaral ako ulit? Babalikan ko ulit yung Terror ko na teacher? Yung pinakaAyokong Math at Chemistry? Yung pagPila sa mainit na Flag Ceremony sa umaga? Yung pakikisiksik sa Jeep? Yung Stress na dulot ng bully kong mga kaklase? NO WAY JARY!!! Ayokong maulit ang mga yun!! Ayoko ng maging bata ulit.
Magtiyatiyaga na lang ako sa buhay ko ngayon. Kayang kaya ko ito! Hay naku stress lang yan! Masasanay din ako Jary! hahahaha. At atleast kumikita pa ako! hahahaha


-Francis




(Based on a True Story *wink) 

1 comment:

  1. Very interesting blog. A lot of blogs I see these days don't really provide anything that attract others, but I'm most definitely interested in this one. Just thought that I would post and let you know.

    ReplyDelete