HotCake LoveStory (Part 3)


Aaminin ko na sa kanya.

"Kaso asan na siya?" ang bulong ni April sa sarili.
Pagkatapos kasi ng mahabang panahon, ngayon lang ulit siya ulit makakabalik sa kanilang lugar. Hinintay niya ang oras na ito para makita ulit ang kaniyang mga kaibigan. Lalong lalo na si Justo. Ang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso. Ang lalaking lihim niyang iniibig.

"April kayang kaya mo ito, isipin mo lang ang mga linyang mimemorize mo kagabi." ang sabi niya sa sarili.

"Simple lang naman eh, lalapitan mo siya. Tapos kakamustahin. Pagkatapos eh aaminin mo na ang pagtingin mo sa kanya! Simple lang di ba April?!"

"Hi Justo, Kamusta ka na? Tagal na nating di nagkita ha! Hmmmm may sasabihin sana ako sa'yo eh. Mahal kita Justo!" ang sabi ni April sa isipan niya. Yan ang linyang sinaulo niya. Ang linyang matagal na niyang gustong sabihin kay Justo.

"Ang tagal naman ni Justo, 30 minutes na ako naghihintay ha! Pero ok lang yan April, tiisin mo lang. Ganyan talaga ang nagmamahal!" ang sabi ng nakangiting si April.

Nang biglang lumabas ng bahay nila si Justo. Ito na ang oras na hinihintay ni April.

Napatunganga si April. Di siya nakasalita. Nagulat sa pagdating ni Justo.

"Gising April! Ano na!" ang sabi ng konsensya ni April sa sarili.

April: Ahh ehh, Hi Justo.... Kamusta ka na?....

Justo: Justo ka jan!!! Uyyyyy Girlalooh! Kamusta kang bruha ka! Long time No see huh! Just call me Justine ok! hmppppffffft!

April: (walang masabi)

Justo: Bakit parang nakakita ka ng multo jan? 

April: Ano nangyari sa iyo? Bakla ka na?

Justo: Excuse me! Di ako bakla! Gurl ako! Nyahahahaha

April: (wala ulit masabi)

(Bigla na lang nahimatay si April)

*ABANGAN NA LANG NATIN KUNG MAY PART4 PA ANG KANILANG LOVESTORY =)








No comments:

Post a Comment