ULAN

 Ulan
By: Obet Tan


Malakas pa rin ang ulan. Nagiisa si Dianne sa waiting shed.  Katatapos lang ng klase nila. Ginabi na siya sa pag-uwi sa paghintay na tumila ang ulan. Mga ilang minuto na rin siya dun, tuloy tuloy pa rin ang bagsak ng ulan.

Pauwi na rin sa mga oras na iyon si Francis, sumakay na lang siya sa jeep. Mataas kasi ang tubig sa plaza kaya’t di na siya nakahintay ng bus. Magkakaklase sila ni Dianne pero tinamad nang pumasok si Francis sa huling subject nila. Habang nasa jeep si Francis ay nakita niyang nagiisa si Dianne na naghihintay ng masasakyan. Matagal na kasing may pagtingin si Francis kay Dianne di lang niya ito masabi. Malayo pa man ang jeep eh pinara na ito ni Francis para lang samahan si Dianne. Hawak hawak ang kaniyang payong tumakbo si Francis sa waiting shed. Pagkakataon na siguro ito para sa kaniya para sabihin ang nararamdaman nito kay Dianne. Sumigaw si Francis para makuha ang atensyon ni Dianne at para na rin malaman nito na andun siya para samahan siya. Di ito narinig ni Dianne sa lakas na rin siguro ng bagsak ng ulan. Tumatakbo pa rin si Francis, malapit na siya kinaroroonan ni Dianne nang biglang may parating na kotse galing sa kaniyang likod. Kotse ito ni Jiroh, isang mayaman na crush ng buong campus. Isa na rito si Dianne. Napatigil si Francis nung biglang huminto ang kotse ni Jireh sa waiting shed. "San ka?" tanong ni Jireh kay Dianne. "Pauwi na rin, naghihintay lang ng masasakyan" sagot naman ni Dianne. "Sabay ka na sakin, ihahatid na kita, malakas pa naman ang ulan". Sumakay si Dianne sa kotse ni Jiroh. Di na gumalaw si Francis sa kinalalagyan. Nabitawan na rin nito ang hawak na payong. Ang payong na sana’y gagamitin nila ni Dianne. Basang basa na sa ulan si Francis, kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang unti-unting pagtulo ng luha niya. Malakas pa rin ang ulan. Walang tigil ang pagbagsak nito. Hinhintay ni Francis na tumila na ang ulan na patuloy na nagdudulot ng ‘baha’ at ‘lamig’ sa buhay niya.

No comments:

Post a Comment