Facebook Dilemma


Time to work!

Kung may isang mahirap talaga na trabaho sa mundo, itong trabaho ko na siguro ang isa dun. Baka ikaw magsawa ka agad at umayaw agad kung ikaw ang nasa posisyon ko. Ako lang yata ang nagwowork 24/7! Oo maghapon at magdamag ang work ko. Oo malaki ang kita pero mahirap pa din eh. Nakakastress. Mula umaga hanggang gabi stress na lang lagi.

Heto sampolan kita, araw-araw na lang akong nag-aabsorb ng stress, problema, init ng ulo at sama ng loob sa mga taong lumalapit sa akin. Heto ang ilan sa mga linya nila:

"Nakakasawa na!"

"Hay naku what a life nga naman oh!"

"kainis na cable.. walang cgnal.. bat ngaun pa"

"Parang gusto ko nang mamatay!"

"Sipon sipon sipon alis alis alis!"

"Wala kang kwentang tao! Badtrip!"


Yan ang ilan sa mga banat nila sa akin everytime na lumalapit sila sakin. Ikaw ba naman ang makarinig ng ganyan araw-araw. Pero ok din naman minsan. Puro "Lovelife" naman ang nilalapit sa akin. Heto sample:

"Love Month! Excited Much!"

"SMV! Samahan ng Malalamig ang Valentine!"

"Pwede bang fastforward na alng ang February at March na agad?"

"I Miss You! I want to touch you but I can't! =("

"=)"

"=("

"i'm not wAt U rEaLly nEed..
i'M not tHe 1 in uR drEAms.."

At marami pang ibang may kinalaman sa "Love". Kaya nga minsan iniisip ko problema ko na lang ba ang lahat ng problema nila? Sa akin ba naman ilapit ang lahat? Ano ako Love Doctor? Hello! 
Pero may mga nakakatawa din naman. Yun yung nakakawala ng stress eh. Heto sample:

"Teka lang, biodata ba yung papel na nabibili sa tindahan? (Check ko lang baka mali ako.)"

"Noon: kapag maganda ang babae, nililigawan agad....

Ngayon: kapag maganda ang babae, tinititigan muna ng mabuti... kasi baka bakla... "


"Sana ako na lang si Superman para iwas traffic!"

"Paglaki ko gusto kong lumaki!"

"Wish ko maging Green ang buhok ko..."


Hahahaha wala lang natatawa lang ako sa mga yan. Sila ang nagpapagaan ng trabaho ko. Pero dito talaga ako nalulungkot at parang gusto ko ng sumuko.

"Announcement! Facebook will charge all its Users!"

"Announcement! Facebook will shut down in May of 2013. Managing the site has become too stressful."


Haay ayoko na talaga!!! Boss Mark Zuckerberg I Quit! Di ko na kaya! Ayoko nang maging "World-Stress Absorber!!!"


No comments:

Post a Comment