The HotCake LoveStory (Part 1)




Isang bukas na liham para kay Francis.

Dear Francis,
Kamusta ka na? Kung ako ang tatanungin mo eh mabuti lang naman ako. Di ko na kasi matiis itong nararamdaman ko kaya nagawa kong sulatan ka. Sana ay di magbago ang pagtingin mo sa akin pagkatapos mong basahin ang aking liham.

Bata pa lamang tayo eh naging magaan na ang loob ko sayo. Kaya din a din ako nahirapang lapitan ka at kausapin. Inaamin ko mas matanda ako sa iyo ng ilang taon, pero di yun naging dahilan para di tayo maging magkaibigan.
Natutuwa ako sa pagtanggap mo sa akin bilang isa sa iyong matalik na kaibigan. Maayos din ang pakikitungo ng mga magulang mo sa akin tuwing tayo’y naglalaro sa inyong bahay. Naaalala ko pa noong naghati tayo sa “hotcake” na luto ng nanay mo. Isa iyon sa pinakamagandang nagyari sa buhay ko. Di ko yun makakalimutan. Sorry at konti lang ang nakain mo sa “hotcake” na iyon, ang sarap naman kasi.
Masaya ang paglaki natin. Halos sabay na tayong nagkaedad at nagkaisip. Naaalala mo pa ba yung highschool days natin? Ang saya nun di ba? Lalo na noong sabay tayong mag-enroll sa college. Feeling ko nun di na tayo magkakahiwalay.
Kinailangan kong magtrabaho after ng graduation kaya ako umalis sa lugar natin. Naikwento ko sa iyo yan noon kung maalala mo. Di naging madali ang pag-alis ko lalo pa at naiisip ko ang mga maiiwan ko. Lalong lalo ka na Francis. Malungkot ang naging buhay ko dito sa Maynila mula noong nagsimula ako sa trabaho. Parang kulang ang buhay ko. Oo, aaminin ko na, Ikaw ang kulang sa malungkot kong buhay dito. Di ko alam kung tama ito pero nahulog na ang loob ko sayo mula pa noong bata tayo. Di ko alam kung napapansin mo yun. Mahal kita Francis, Mahal na mahal. Di na ako makapaghintay na Makita kang muli.
Sana ay di magbago ang pagtingin mo sa akin pagkatapos mong basahin ito. Pangako di ko sinadyang mahalin ka. Kusa ko na lang itong naramdaman. Ikaw lang ang nagpaligaya sa akin nang ganito. Namimiss na kita mahal ko! Ingat ka lagi diyan.

Nagmamahal,
Justine



Ang sagot na liham ni Francis.

Dear Justine,
Salamat sa pag-amin ng iyong nararamdaman. Noon pa man ay halata ko na kaya din a ako nagulat pa.
Sorry pero di ko matatanggap ang pagmamahal mo. Alam mong may iba na akong mahal. Huwag kang mag-alala, di magbabago ang tingin ko sa iyo. Ikaw pa din ang bestfriend ko!
Ingat ka din lagi diyan.

P.S.
Nga pala, nagpalit ka na ba ng pangalan? O nickname mo lang yan. Para sa akin mas maganda pa din ang name mo na JUSTO G. ABELARDO, JR eh. Palitan mo na, ang baduy eh hehehe. Peace tol!

Ang iyong kaibigan,
Francis

No comments:

Post a Comment