The HotCake LoveStory (Part 2)



Isang bukas na liham ni Francis.

Dear April,
Kamusta ka na diyan sa Dubai? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sinulatan kita ngayon dahil di ko na kayang tiisin pa ang sinisigaw ng damdamin ko.

Noong una kitang nakita noong HighSchool tayo, nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. Tawanan mo na ako pero yun talaga ang totoo. Nagsimulang tumibok ang puso at ikaw ang dahilan nito. Di ko alam kung kasalanan ba ito o tama ba itong ginagawa ko pero ito lang ang naiisip kong pinakamagandang gawin.
Mahal kita April, mahal na mahal. Sobra kitang namiss mula noong umalis ka ng bansa. Di na ako gaya ng dati mula noong nawala ka. Sana ay di magbago ang pagtingin mo sa akin pagkatapos ng pag-amin kong ito.
Maghihintay ako sa pagbalik mo April, umaasang may pagtingin ka din sa akin.

Nagmamahal,
Francis


Ang sagot na liham ni April.

Dear Francis,
Ok lang naman ako ditto sa Dubai. Natawa naman ako sa sulat mo, ang drama mo! Hehehe
Halata ko na noon pa na gusto mo ako. Pero sorry Francis, di ko kayang tanggapin ang pagmamahal mo. May mahal na akong iba. Mabait kang tao Francis, I’m sure may mahahanap ka pang iba diyan.
Huwag kang mag-alala, magiging magkaibigan pa din tayo. Promise ko yan sa iyo.

Regards,
April

P.S.
Nga pala, kung nagtataka ka kung sino yung ibang mahal ko. Kilala mo siya Francis. Patulong nga sana ako sa yo eh. Ilakad mo naman ako sa Bestfriend mong si Justo. Hehehe
Di ko mahanap yung name niyang Justo G. Abelardo, Jr sa Facebook, nagpalit ba siya ng name niya?
Thank you friend!

No comments:

Post a Comment