Si Mang Huhula!

Si Mang Huhula!
by Obet Tan

Ang dami kong problema. Di ko na kaya ito.

Kailangan ko nang magpakonsulta sa eksperto. Pero teka lang, pera nga ang isa sa problema ko eh tapos magbabayad pa ako ng malaki para magpatulong lang? Sino ang pwede kong kausapin? Sino ang pwede kong lapitan? 


Kung bakit ba kasi ang dami kong problema ngayon. Kakaumpisa lang ng bagong taon problema na agad. Ang hirap na nga ng buhay, ang hirap pang mabuhay. Ilang taon an ako sa mundong ito parang wala pa din akong napapatunayan. Wala pa akong nararating sa buhay? Bakit yung mga kabatch ko ok na ok naman na ang buhay nila ngayon. Parang wala silang problema sa buhay. Di gaya ko, 25 pa lang pero parang gurang na ang itsura. Ayoko na! Help!!!

(Naglakad-lakad si Francis sa kalye, sa kagustuhang makapulot ng solusyon sa kanyang mga problema.)

Ano ba ang una kong gagawin sa buhay ko? Gutom na ako, kanina pa ako naglalakad dito. Diyos ko bigyan mo ako ng sign please! Tulungan mo naman ako! Ngayon ko kailangan ang tulong mo!

(Nang makita niya ang nakapaskil sa Poste ng kuryente.)

"Grand Opening!" Mang Huhula's Room of Fortune! Try it for FREE!

Ano namang kalokohan ito? Uso pa ba ang mga manghuhula ngayon? Pero libre naman eh, try ko na nga lang. 

Tok.Tok.Tok.

(Biglang bumukas ang pintuan ng Mang Huhula's Room of Fortune.)

Mang Huhula: Tuloy ka Francis..

Francis: Ha? Pano mo nalaman ang pangalan ko?

Mang Huhula: Nabasa ko lang sa blog ni Obet Tan.

Francis: Hay naku jan ka na nga lang.(Sabay alis at bukas ng pinto pero ayaw bumukas.)

Mang Huhula: Sorry Francis, di ka pwedeng umalis hangga't di natatapos ang kwento.

Francis: OK!

Mang Huhula: Ano ang ipapahula mo?

Francis: Sige na nga, Mang Huhula makakapagabroad ba ako?

Mang Huhula: mmmm. May passport ka na ba?

Francis: Wala pa. (Oo nga no. Tanga ko talaga, paano ako makakapagabroad kung passport nga wala ako.)

Mang Huhula: Mmmmm.

Francis: Magkakaroon ba ako ng girlfriend ngayong taon?

Mang Huhula: Mmmmm. May nililigawan ka na ba?

Francis: Wala pa. (Aww oo nga noh.)

Mang Huhula: Mmmmm.

Francis: Eto ha. Makakapagtrabaho kaya ako ngayong taon?

Mang Huhula: Mmmm. Nagapply ka na ba? May resume ka na ba?

Francis: Wala din. Sa bahay lang ako lagi. Nagkukulong sa kwarto at iniisip ang mga problema.

Mang Huhula: Mmmmm.

Francis: Eto na lang, magkakapera ba ako nang marami? Please sabihin mong oo Mang Huhula.

Mang Huhula: Mmmm. Magkano ba kailangan mo? 

Francis: Di ko alam, basta gusto ko marami. (Teka magkano nga ba gusto ko?)

Mang Huhula: Mmmmm.

Francis: Teka teka wala ka namang sinasagot sa mga tanong ko ah. Akala ko ba manghuhula ka?

Mang Huhula: Mmmmm

Francis: Pwede ba tigilan mo na yang Mmmmm mo na yan. 

Mang Huhula: Mmmmm.

Francis: Last na, sabihin mo nga kung magiging swerte ako ngayong taon? Ang malas ng 2012 ko eh.

Mang Huhula: Mmmm. Alam mo Francis simple lang ang sagot sa mga tanong mo. Sa totoo lang alam mo na ang mga sagot sa mga tanong mong iyan. Mahilig tayong mangarap at isipin ang mga problema pero wala naman tayong ginagawa para makamit ito. Ang daming umiikot na problema sa isip natin pero pinaikot mo na din ba sa isip mo ang mga solusyon? Ang dami nating reklamo na ang hirap ng buhay pero gumagawa ka ba ng paraan para mapagaan ito? Ang daming reklamo pero walang gumagalaw. Huwag mong iasa sa Hula ang tadhana mo. Hawak mo ito sa iyong kamay Francis. Alam mo sa sarili mo ang dapat gawin kahit di ko sabihin. Tandaan mo, walang ibang tutulong sayo kundi ikaw lang at ang nasa Itaas. Buksan mo ang iyong isipan. Nasa paligid mo lang ang sagot sa mga problema mo.

Francis: Mmmmmm.

Mang Huhula: Mmmmm.

Francis: Salamat po Mang Huhula.Ang galing mo!

Mang Huhula: Mmmmmm.

Francis: Mmmmmm.

2 comments:

  1. Sa wakas, may bagong kwentutero sa blogspot. I suggest magpost ka din sa tumblr. wala na pre, :( kokonti na tayong active dito.

    ReplyDelete
  2. Kaya nga eh, naghanap din ako ng ibang gumagawa ng short stories, sumuko na yata lahat. =(

    ReplyDelete