Pyramid Scam


Heto na naman tayo.

Kakain na naman ako ng alikabok nito sigurado. Oras na namang maghanap ng mga prospect. Oras na namang magrecruit ng mga sasali sa network ko.



Ang hirap na kasing magrecruit ngayon eh. Lalo na sa balitang kumakalat about sa mga pyramid scams na mga yan. Sinisira nila ang image ng Multilevel Marketing. Yan tuloy iba na ang tingin nila sa company namin. Eh hindi nga nila alam ang ibig sabihin ng MLM eh. Ang hirap namang ipaliwanag ang side namin kasi sarado na ang isipan nila. Kung ano na lang ang nasa isip nila, yun na ang sa tingin nila tama. Pilipino nga naman talaga oh. Sa US nga usong uso ang ganitong business eh. Dito sa Pilipinas, makarinig lang ng salitang "Networking" iba na ang nasa utak nila. Andyan ang "Manloloko ang mga yan!", "Scam ang mga yan", "Ay networking ba yan? Alam ko na yan!", "Hay naku Pyramiding yan noh" o kaya naman ay may linyang ganito, "Layuan mo ako, naloko na ako niyan dati, di niyo na ako maloloko!".

Kaya yun, kaunti na lang ang sumasali. Yung mga taong open-minded at mga businessminded na lang ang sumasali. Tapos magrereklamo sila na yung mga mayayaman, sila na lang ang yumayaman. Eh kulang na lang sagutin ko sila na buksan kasi nila ang isipan nila huwag ang bunganga. Paano ka yayaman kung ganyan ka naman mag-isip di ba?

Heto nga, try ko nga ito. Baka sakaling sumali sa network ko!

Francis: Hello mam, goodmorning po. Pwede ba kayo maabala sandali?

Madam: Bakit ano yun?

(Aba! Masungit ha. Konting tiis lang Francis.)

Francis: Heto kasi mam, I'm Francis po pala from O.T. Marketing Inc. Meron po kasi kaming product dito na baka magustuhan niyo mam.

Madam: Anong product yan? Teka teka, Networking ba yan?

(The killer question.)

Francis: Ah opo mam, International Company po kami from Egypt na nagbase na dito sa Philippines.

Madam: Hooh baka naman scam yan ha, alam ko na ang diskarte ng mga yan.

Francis: Ah hindi po mam, actually po dala ko yung mga permits namin dito. Gusto niyo po bang magkape muna tayo dun mam para mapagusapan natin yung business?

(Pumunta kami sa Starbucks. Sooos! Gastos na naman. Pero ok lang, may pairing bonus naman ako ngayon eh!)

Francis: Mam heto po ang permit namin from DTI, at the same time registered din po sa BIR yung main office namin. Heto po ang address at permits namin mam. Pwede kayong bumisita sa office namin mam para makakuha ng aming products.

Madam: Teka, ano ba yang product niyo na yan?

Francis: Ganito po yun mam, ipapakita ko po muna sa inyo yung Marketing Plan ng company namin. Murang mura lang po ang membership namin mam, 12,999.00 lang po.

Madam: Ang mahal naman!

Francis: Mura na po yan mam, kasi po makakakuha kayo ng worth P15,000.00 na product namin. So kakamember niyo lang po may kita na agad kayo!

Madam: Pyramiding ata yan ah.

Francis: Hindi po mam, sa totoo nga po niyan mam may makukuha pa kayong Incentives sa company everytime na nakakabenta kayo ng product namin. May P500.00 pa po kayo na makukuha sa lahat ng mapasali niyo dito sa O.T. Marketing!

Madam: Hay naku! Parang pyramiding na talaga yan.

Francis: Hindi po mam, heto pa po. May pairing bonus pa po kayo sa lahat ng magpapares na downlines niyo sa A side at B side. P1,500.00 po yun mam. Tapos may 10% pa po kayong kita sa lahat ng nabentang products ng mga downlines niyo mam!

Madam: Hay naku di na ako naniniwala jan. Pyramiding talaga yan.

Francis: Hindi po mam, ang pyramiding po walang product na binebenta. Tapos puro pera lang po ang usapan dun. Wala din po silang office na gaya ng sa O.T. Marketing.

Madam: Paano ako makakasigurong di nga Pyramiding yan?

Francis: Try niyo po kasing sumali mam. Bawing bawi niyo po ang puhunan niyo dito. Ang ganda po ng Product namin. Yung product po namin di lang para sa mga matatanda, di lang po para sa mga gustong lumakas o pumuti. Yung product namin pwede sa lahat! Pwede sa pamilya, lalong lalo na po sa bahay niyo mam.

Madam: Teka teka ano ba yang product niyo?

Francis: Heto po mam, pampaswerteng pangdisplay po galing Egypt.

Madam: Ano ba yan? Patingin nga.

Francis: Heto po, Pyramid.

WFT!!!

No comments:

Post a Comment