SchoolDays

Schooldays
By Obet tan




Umaga na naman.

"Gising na!!! Bumangon ka na!!! May klase ka pa ngayon!", sigaw ni Aling Maria sa anak na tulog pa din sa kwarto.


"Tinatamad pa ako ma." ang sagot naman ng anak.

Aling Maria: Ano ka ba, kailangan mong pumasok, exam niyo pa naman ngayon!

Anak: Ayoko nang pumasok! Ang dami daming exam.nalilito nga ako jan.  Nakakatamad!

Aling Maria: Anak naiintindihan ko ang nararamdaman mo.Pero ganyan talaga ang Paaralan ngayon! Alam ko madaming exam. Pero kailangan eh. 

Anak: Ayoko na! Wala akong kaibigan. Walang may gusto sa akin.Wala akong kasama sa school!

Aling Maria: Di ako naniniwala jan anak. Alam ko marami kang kakilala dun. Maraming may gusto sayo.

Anak: Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko nang pumasok!

Aling Maria: Anak...

Anak: Tinatamad na akong pumasok. Ayoko na.. 

Aling Maria: Gemma tumigil ka na jan. Kailangan mong pumasok. Kailangan ka dun kasi ikaw ang HeadTeacher!!!

No comments:

Post a Comment