Samaritano
By: Obet Tan
Mahaba pa ang lalakarin. Gabi na naman. Patuloy pa rin ang paglalakad ng mag-amang Jessie at Rj. Di alam kung saan tutungo. Matapos baklasin ang kanilang bahay sa ilalim ng tulay nung isang linggo ay naging ganito na ang kanilang buhay, palakad lakad. Naglalakbay sa mundo ng mga "Samaritano".
By: Obet Tan
Mahaba pa ang lalakarin. Gabi na naman. Patuloy pa rin ang paglalakad ng mag-amang Jessie at Rj. Di alam kung saan tutungo. Matapos baklasin ang kanilang bahay sa ilalim ng tulay nung isang linggo ay naging ganito na ang kanilang buhay, palakad lakad. Naglalakbay sa mundo ng mga "Samaritano".
"Tay gutom na po ako, pahinga muna tayo", daing ni Rj sa amang si Jessie. Konting tiis na lang anak mahaba pa ang lalakbayin natin. "Tay di ko na talaga kaya, masama pa ang pakiramdam ko". "Sige maiwan ka muna dito ha, bibili lang ako ng pagkain at gamot mo, dito ka lang". Iniwan ni Jessie si Rj sa isang park malapit sa isang Grocery Store. Naghintay si Rj dun nang ilang minuto, tinitiis ang gutom at halo halong pananakit ng katawan. Hinihintay ang pagbabalik ng ama. Kalahating oras ang lumipas, dumtaing ang ama dala ang isang supot ng tinapay at isang bote ng mineral water. "Pasensya na anak wala akong nabiling gamot" ani ni Jessie na pagod na pagod at parang hinahabol pa ang paghinga. "Tay, bakit parang pagod na pagod kayo, san ba kayo bumili?" tanong ng musmos na si Rj. Di na nakasagot si Jessie, nakita niya kasing parating na ang isang guard at dalawang pulis, tumatakbo papunta sa kanilang kinalalagyan. "Tay, may mga pulis, papunta rito." "Hoy, ikaw dito ka pa nagsuot, wag mo ng subukang tumakas," sigaw ng isang pulis. Hinablot nila si Jessie, pilit mang kumawala si Jessie ay di niya magawa. Wala na siyang lakas pang natitira. "Bakit niyo hinuhuli ang itay ko, mga salbahe kayo bitawan niyo siya" sigaw ni Rj habang sinusuntok sa binti ag mamang pulis. "Kami pa ngayon ang salbahe ha, nagnakaw ang iyong itay, kailangan siyang dalhin sa presinto!", ang sabi ng pulis kay Rj sabay tulak dito. Natumba si Rj, nahulog din ang hawak nitong tinapay. "Pakawalan niyo siya, malayo pa ang lalakarin namin!" sigaw ng umiiyak na si Rj. Walang magawa si Jessie. "Mauna ka na anak, pulutin mo ang tinapay mo, malayo pa ang iyong lalakarin" yan ang mga huling salita ni Jessie sa anak bago siya dalhin sa kulungan. Nakulong ang isang ama na ang tanging hangad ay ang ikabubuti ng anak.
Malalim na ang gabi. Patuloy pa rin sa paglalakad si Rj, nag-iisa, di
alam kung saan tutungo. Hawak ang isang supot ng tinapay at isang bote ng tubig,
kailangan ni Rj ang mga ito. Malayo pa ang kanyang lalakarin. Naglalakbay nang mag-isa sa mundo ng mga
"Samaritano".
No comments:
Post a Comment